
Anak ng jueteng! Kukunan ko sana ng picture yung helicopter na dumaan kanina. Kasi ba naman may pangkadlo siya. Saan ba may sunog? Sobrang init kasi ngayong araw na ito. Malapit na kasi ang summer dito. Kamukat-mukat mo ay medyo pumalpak naman yung kamera ko at nakaalis na yung helicopter ay di ko na tuloy nakunan ng litrato.. sayang!
Pag summer na heto naman yung mga taga Springbok at type magpakumpuni ng sidings at fence nila. Yung ngang fence namin dito ay natigbak na rin dahil duon sa crawling ivy plants. English ivy ba yun or what? Actually tanim or halaman yun ng kapit-bahay namin. Maganda sanang tingnan at magandang itanim sa bakuran pero naku pag yan ang gumapang sa siding ng bahay mo at ng bakod nyo lagot. Matindi ang hatak nya. Katulad yan nung halaman doon sa movie na "Jumanji." grabe!
Wala. Walang ganung news dito. Sa TV ang news ay yung swine flu parin. Palagay ko ay may gusto lang ipahiwatig ang may mastermind ng news na yan. Every year naman talaga may flu kahit saan kang bansa pumunta. Pag lumala ang ubo at sipon mo at di mo naipagamot at wala kang gamot na tama para sa sakit mo at kung lumala eh di flu nga ang resulta.
Kaya dapat good hygiene ang kailangan ng bawa't isa sa atin. Clean your hands with soap and water everytime you use the toilet. Then if you'll cough or sneeze cover your mouth with tissue, handkerchief or the best of all is to cover your mouth with disinfected cloth na nabibili sa botica. Use gloves when you're cleaning dirty houses, bathroom or wash rooms. Use gloves when you are working in the food factory or restaurants. Then lalo na if you are working in the hospital so that you wont pass the germs. Yung ibang tao di na tinatablan ng germs mga immune and tawag dyan. Ngayon yung mga weak ang immune ang dapat mag-ingat at alagaan ang sarili nila.
Alam mo naman ngayon hindi lang pollen and may dala ng mga naka ka allergy. Kaya yung mga may asthma, sinusitis na pag nakalanghap ng dust, tuyong dandy lions at mga kung ano ano pang dulot ng mga halaman, sila ang biktima ng mga sakit na yan. Sila ang dapat maunang mag-ingat.
Sa tutuo lang bakit ang daming dust dito? Parang bigla na lang hinipan ng hangin. Panay naman ang vacuum ko. Saan ba nanggagaling yang dust na yan? Last year di ko naman napansin yan dahil parang common lang yung alikabok na yan. Pero this year after winter parang walang stop ang pagdating ng alikabok. Nakakapagtaka na. Ganyan din ba sa lugar nyo? Wala namang gaanung dumadaang sasakyan dito sa aming lugar pero laging may alikabok. Kataka-taka naman.