Friday, October 15, 2010

Naku merong pinay blogger na nagsabi na bakit daw yung mga iskolar ng bayan ay sya pang mahilig magsipag-abroad. Dapat daw sa kanila ay sa Pinas na lang magsipaghanap ng trabaho or doon na lang magstay for good. Which is true. Dapat sa kanila kung scholar nga sila di ba mas madaling makapaghanap ng trabaho dahil yung mismong companies pa ang hahabol sa kanila.

Kasi ganun yung nangyari sa mga Suma Cum Laude or Magna Cum Laude at mga graduates with highest honor sila nag pag asa ng bayan na dapat wag na silang umalis sa tinubuang lupa para mapigilan ang brain drain. Higit sa lahat para mapanatili na ang Pilipinas ay country parin ng mga Filipino at Filipina at hindi ng ibang lahi.

Kaso iba talaga ang ihip ng hangin. Kumbaga yung ibang scholars ay mapaghanap sila ng mas magandang kabuhayan or greener pasture. Mataas ang kanilang ambisyon. Hindi nila alam mas maganda parin talaga ang buhay sa Pilipinas kaysa sa ibang lugar dito sa ibang bansa. Going abroad is the last resort. Yun na mismo.

Kung iisipin mo talaga iba ang buhay sa ibang bayan. You have to work really hard, yung iba di na natutulog dahil pulos trabaho na lang. Yung iba hnidi makapgretire dahil kailangan work ng work kahit mukhang hukluban na. Iba ang buhay sa Amerika, Canada at sa European countries. Kahit na millionaire na yung iba sige paring work ng work dahil walang katapusan ang pagbabayad nila ng utang. Kung sino yung mayayaman ang syang mas malaki ang utang. Utang nila na habangbuhay nilang babayaran. Grabe di ba?