Sa tutuo lang mas gusto ko parin na tumira sa Philippines quesa dito sa Canada. Ewan ko ba. Hindi ko talaga mafeel na ito ang home ko. I don't know what it is. I've been here for more than 10 years kahit anong brainwashing ang gawin nila just to keep me grounded here eh talaga namang never kong ipagpalit ang homeland ko. Mas maganda parin talaga ang bansang Pilipinas kahit mahirap ang buhay doon, kahit laging mainit at laging may bagyo. Pero siguro ako na di gaanong babagyo dyan pag nandyan ako dahil I will change the climate. Ako pa! Maganda ang weather dito dahil nandito ako. pero pag nainis ako ewan ko lang sa kanila kung saan sila pulutin. Hahabulin nila ang bubong nila sa lakas ng hangin.
Nuong una nagtataka ako bakit kaya yung mga Pilipino na ang tagal tagal na sa Amerika at Canada ay ganun din ang pag iisip. I mean di rin sila makatagal sa ibang bansa. Lagi nilang hinahanap-hanap ang buhay sa bansang Pinas. Paano iba kasi. Iba ang feelings mo pag nasa ibang bansa ka. Para kang ibon na nasa cage. Ewan ko yung iba sanay na siguro sila. Sanay na yung ibang bata na dito na lumaki at nakagisnan nila dito or siguro di sila sikat doon at dito lang sila sumikat. Ganun daw yun. Whatever! Or dahil marami silang kaaway doon at mas matiwasay ang kalagayan ng buhay nila dito.
Ako naman hindi sa dahil lagi ako sa loob ng bahay at di ako gaanong nakakalabas eh ganito ang timpla ng pag- iisip ko. Alam mo kasi ako mas gusto kong makakita ng building. Yung mga skyscrapers, mga building na dikit-dikit at maraming bahay at may mga taong naglalakad sa kalsada. Yung maraming tao sa loob ng mall. Sanay ako sa gulo ng Makati at Manila. Sanay ako sa ultra modern life. Sanay ako na makakita ng matataas at malalking building sa Hongkong at mabilis na andar ng mga bus, kotse at MTR. Mas maganda pa talaga ang HK at Pinas. Kaya kung may balak kayong tumira dito sa C ay mag isip- isip muna kayo. Sampalin nyo muna ang mukha nyo kung kayo ba ay binabangungot.
Eh nasan ba ako? Feel ko nasa probinsya ako. Mas masahol pa sa probinsya. Nag aral ba ako para lang tumira sa probinsya? Mas gusto ko pang maging maid sa Hongkong. At least class! Ako ang mayordoma. Mas mahal ang mga damit ko at sapatos pati na handbags. Dito? Pulos ewan. Wag na nga akong magmalaki. Pero ewan ko ba. Payo naman sa akin ng mga tao dito ay mag drive ka para makita mo ang mga dapat mong makita. Wala ngang makikita kundi bundok, puno, lake, dagat, batuhan, logs, boats, at mga bulaklak. Anyway there is too much OXYGEN here you know. Sobra! kahit patay na yung iba eh pag dumating dito mga buhay sila. Kaya siguro maple ang symbol ng flag nila. OmyGawd!
Boring at boring ang buhay dito. Kaya maraming suicidal. Ewan ko kung kelan ako magsusuicide sa sobrang boring ng buhay dito. Kung puede lang sumigaw na IDEPORT NYO NA AKO. Ahahahha.